Sabado, Mayo 30, 2015

Pagtulong O Paglilinlang?

                    

                      Nakagawian na ng mga pulitiko sa Pilipinas ang pangangampanya kapag malapit na ang eleksyon. Ito ba ay pangangampanya para mapaglingkuran ng maayos ang bayan o paglilinlang upang makuha ang pera ng bayan?

                       Sa panahon natin ngayon, naglipana na ang maraming mga pulitiko na nagsisipalabasan ng pera kung saan malapit na ang eleksyon pero sa kanilang termino ay kaunti lang ang nagagawa nilang aksyon.Ang dami nating nakikitang mga komersyal at Tv ads na puro mga mukha ng mga pulitiko na hahabol sa darating na eleksyon sa 2016. Karamihan na makikita ay pagtulong sa mahihirap, OFW, maysakit at marami pang iba. Oo, tama ang tumulong sa kapwa, pero bakit kailangan pang idaan sa mga komersyal, TV, radio at sa internet ang pagtulong mo? Kailangan ba ay ipaalam mo sa lahat ng mga tao na ikaw ay nakatulong? Kung alam naman ng mga pilipino na ikaw talaga ay karapat dapat na iboto ay iboboto ka nila.

                        "Bago ang eleksyon, ang galing galing nila, pero kapag nanalo na, ay para silang mga bulang nawawala." .Iyan ang karaniwan nating naririnig sa mga Pilipinong  kapos at walang pera. Tama nga naman! Hindi lahat pero karamihan ng mga pulitiko sa ating pilipinas ay ganyan. Sa una, ang daming mga pagamot at pakain na nagaganap sa bawat baranggay pero bakit biglang nawawala? Siguro nga na hindi lang yan ang problema na sinu-solusyonan ng ating gobyerno pero hindi tama na sila ay paasahin sa "pagbabago" na sinasabi ng mga tumatakbo ngayon. Pagkatapos mo silang asahan at magtiwala sa mga sinasabi nila, sila pa itong nangungurakot.

                          Hindi naman lahat ng pulitiko ay ganyan, ang ilan ay talaga namang ginagawa nila ang kanilang tungkulin ng maayos. Kahit na matagal ang proseso, kahit papaano ay napagtatagumpayan naman nila na masiayos ang ibang problema ng ating bayan. Hindi sila katulad ng mga ibang pulitiko na nagpapalamig lang sa kanilang mga opisina at upuan na walang ginagawa. Sila ay pinapahalagahan ang binitawang salita sa mga Pilipino na "balang araw ay magkakaroon ng magandang kinabukasan".

                          Sa ngayon, hindi pa natin alam kung sino ang karapat dapat para sa tamang pusisyon. Marami pa tayong makikitang mga komersyal na magpapalabas ng "magagandang" nagawa ng mga humahabol sa eleksyon. Dapat nating talasan ang ating isipan. Huwag tayong magpadaig sa sinasabi ng ating mga kaibigan na kailangan iboto mo ang gusto nila. Kung sa tingin mo ay karapat dapat, iboto mo. Iisa lamang ang boto mo, huwag mong sayangin sa taong hindi karapat dapat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento