Lunes, Mayo 18, 2015

5 Steps kung paano makamove on

                      Likas nga naman sa ating mga pilipino ang mapagmahal at mapagkalinga. Tama! tayo ay mga nilalang na mapagmahal. Bawat araw, maraming mga taong nasasaktan at naiiwan dahil sa tinatawag na PAGIBIG. Ito ba ay solusyon sa magandang buhay? O isang dahilan upang ikaw ay tuluyang mawalan ng pagasa sa paghahanap ng mahal mo. "Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud." ito ay mga salita na hango sa bibliya sa 1 Corinthians 13. Gayunpaman, ang pagibig ay nagdudulot ng lungkot sa ating buhay. Masyado naman kasi tayo nagpapadala sa mga nararamdaman nating kakaiba. Minsan akala natin na sila na talaga ang para sa atin. Naranasan mo na bang makaramdam ng akala mo ikaw ay nasa ulap, na kapag nakikita mo ang kanyang maamong mukha akala mo siya ay isang tunay na anghel. Minsan pa nga ay lagi mong iniisip kung nakatingin ba siya, kung maganda/gwapo kaba, kung may dumi ba sa mukha mo at marami pang iba. Kapag nakikita mo ang iyong mahal mo, talagang nakakaramdam ka ng kakaibang pakiramdam. Pero natanong mo na ba sa sarili mo na kung bakit sa daming beses ka na niyang niloko, ang sarap parin ito sa pakiramdam? KASI NGA HANGGANG NGAYON MAHAL MO PA SIYA! At hindi mo siya kayang iwan kasi ikaw ay napalapit na sakanya. Ikaw ba naman na maging kaibigan mo ng matagal tapos mahuhulog ka sakanya. Tapos liligawan ka niya at papaasahin tapos ANO?? wala na? naniwala kang may Forever pero wala naman pala? kung sa bagay, walang permanente sa buong mundo kundi ang diyos. Pero masakit parin eh. Tapos makikita mo siya na may kasamang iba at mas masaya siyang kasama yung taong yun. MASAKIT SA BUONG KATAWAN hindi lang sa puso. PAANO NGA BA MAKAMOVE ON? ang daming nagtatanong nito.

 1. Kailangan ay tanggalin mo lahat ng connection mo sakanya- PAANO? EH MAHAL KO PA SIYA! hindi ka nabuhay para mahalin ang isang taong may pusong bato. Bakit ka nga naman magtitis sa isang taong walang puso? kung meron namang iba na tanggap ka at mas mamahalin ka ng todo bakit hindi nalang dun? kaya IDELETE mo na yang messages na pinakaiingatan mo.

2. Kausapin mo ang diyos at isipin mo na "Buti nalang agad kaming naghiwalay, kasi baka mamaya pag nagtagal kami, mas lalo lang akong masasaktan"- diba? ang galing ni God kasi pinaghiwalay niya na kayo para di kana mas lalong masaktan. Minsan kasi akala natin okay lang MAGTANGA-TANGAHAN. PERO HINDI!

3. huwag lang siya ang isipin mo- ang daming rason para maging masaya. Isa na diyan ang mga kaibigan mo, bakit hindi mo ituon ang atensyon mo sa iba at hindi lang sakanya? tandaan mo na sinaktan ka niya at dapat kang maging masaya. kasi may karapatan ka upang lumigaya. lumabas ka at manood ng sine at magpaganda ka baka sakaling balikan ka niya at marealize niya na ang TANGA NIYA DAHIL INIWAN KA NIYA hindi yung nagmumukmok ka lang sa bahay niyo. Feeling mo ikaw si agnes na nasasaktan kasi may mahal nang iba si Xander?

4. Iiyak mo lang lahat-ganyan tayong mga tao. kapag nasasaktan, nagagalit. Kapag nalulungkot, umiiyak. Kapag naman masaya, tayo ay nagdidiwang. Iiyak mo lang, walang mawawala sayo kundi ang sakit. Kapag naiyak mo na ang lahat at nailabas mo na ang sama ng loob, hindi kana gaanong masasaktan.

5. Kahit na ano pa ang nagawa niya patawarin mo siya- Minsan ang tao kapag nagagalit sa kapwa niyang tao, iniiwasan natin sila kasi nga ayaw natin sila makita at galit na galit tayo sakanila. Pero paglipas ng maraming panahon hindi natin alam ay nagiging katulad na natin sila. Maging marunong tayong magpatawad kasi hindi tayo makakamove on kapag nandiyan parin sa puso mo yung lahat ng sakit na iniwan niya. 

Maraming rason upang maging masaya. Hindi lahat ay nakukuha sa pagkakaroon ng nobyo at nobya. Karamihan ay sa pamilya, kaibigan at magagandang pangyayari sa buhay. Lagi nating isipin na magmahal tayo sa kapwa pero wag lahat ibibigay natin dahil maganda na magtira rin tayo sa ating mga sarili. Ang relasyon ay parang isang bangka. Magulo dahil maraming mga alon ang humahampas at hindi alam kung saan pupunta. Dapat tayong maging matatag na manlalayag para kahit gaano man ang lakas ng hampas ng mga problema, tayo ay matatag na patungo sa ating magandang pupuntahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento