Linggo, Mayo 17, 2015

"Kabataan ang pagasa ng bayan" Tunay nga ba?

                      Hindi na kaila sa ating panahon ngayon ang mga kabataan natin na walang ibang ginawa kundi ang magbulakbol, makipagtalik at gumawa ng hindi mabuti. Sobrang daming taon na ang nasayang at panahon para sa mga kabataan na magbago. Pero bakit ganon? sa tuwing binibigyan ng pagkakataon ano ang nangyayare? ito ay nasasayang at lalong lumalala ang ugali ng kabataan ngayon. Ano ang nangyare sa isang makinang na tila isang batobalaning nangniningning na kagandahan, ngayon ay napakarumi, lugmok at parang isang bangkay na inuuod.

                      Sabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ang kabataan raw ay ang pagasa ng ating bayan. Nakakalungkot isipin na ang pagasa ng ating bayan ay ang alam gawin ay makipagtalik, gumamit ng mga ilegal na droga, tumambay, sumali sa mga fraternities at marami pang iba!. Taon taon ay dumadami ang mga bilang ng kaso ng AIDS at HIV at pabata ng pabata ang mga naapektuhan nito. Marami din ng kaso ng gumagamit ng droga sa ating bansa. Samantala, nasa 3 out of 10 naman ng mga kabataan ay kasama sa fraternity.  ang mga iba naman ay walang ibang ginawa kundi mag internet at magpasikat sa social media sites.Ito ba ang pagasa ng ating bayan? O ang instrumento upang malugmok sa kahirapan at tuluyan na masira ang ating bansa. Hindi ito dapat mangyari.

                      Hindi natin masisisi ang ibang mga kabataan na kulang sa edukasyon kaya naman ito ay kinakailangan pang magnakaw at kumapit sa patalim upang mabuhay. kabataan lamang ba ang dapat na sisihin? Ano ang solusyon dito? Hindi lamang kabataan ang kailangang sisihin kundi ang mga iresponsableng magulang. Trabaho ng mga magulang ang protektahan, turuan ng magandang asal, at gabayan ito sa araw araw para ito ay lumaki ng maayos. Marami sa ating mga magulang ngayon ay wala nang pakelam sa kanilang mga anak. Hinahayaan lamang nila ang kanilang mga anak na gawin kung ano ano. Kaya naman ito ay napapahamak at nawawalan ng landas sa buhay.

                      Huli paba ang lahat para magbago? hindi. sapagkat habang may buhay may pagasa. Hanggang hindi pa natin naitatama ang kamalian ng mga naunang henerasyon, hindi dapat tayo tumigil na gawin ang nararapat. Maaring ito ay magiging mahirap sa umpisa pero hindi dapat sukuan ang mga problema ng buhay. Dapat magsimula sa kabataan ang pagbabago. Maging maayos tayong kabataan ngayon para sa hinaharap ay magiging maayos tayong mga magulang. Magulang na magtuturo ng magandang asal sa kanyang mga anak. Isang Nanay at Tatay na mag gagabay sa kanyang anak para makamit ang kanyang mga pangarap. Kapag napalaki mo ng maayos ang iyong anak, siguradong mapapalaki rin niya ng maayos ang kanyang mga anak. Hanggang sa iyong ka apu-apuhan.

                     Tama! tama si Rizal na tayo ang pagasa ng bayan. Sapagkat ang kabataan ang tanging merong kakayahan para magbago ng ating hinaharap. sa ATIN magsisimula ang magandang SIMULA. ang simula ng PAGBABAGO.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento